Ito lang yung FB ads training na uuwi ka na may live and profitable campaign.
Isang umaga. Dala mo ang laptop mo. Sabay-sabay nating i-build ang actual Facebook ad campaign mo, from account setup and tracking hanggang live na sa Ads Manager bago ka umuwi. Hindi lang Boost Post. Proper campaign setup.
Alam mong kailangan mo nang mag-ads, pero dito ka natigil.
“Na-ban agad ang account ko.” Bago ka pa makapag-launch, disabled na. Wala ka pang nagagastos, may problema na agad.
“Puro likes at reach, pero walang benta.” Nag-boost ka, dumami ang likes, pero walang inquiry at walang clear na next step.
“Hindi ko alam kung saan magsisimula.” Ads Manager, Pixel, Business Manager, objectives. Ang daming terms, hindi mo alam kung ano ang uunahin.
“Natatakot akong masayang ang pera.” Limited ang budget mo, kaya ayaw mong matuto through expensive mistakes.
“May libre namang tutorial sa YouTube.” Pinanood mo na. Na-save mo na. Pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin na-launch.
“Hindi ko alam kung sulit ba.” Anong numbers ang dapat tingnan? Kailan ka mag-a-adjust? Paano mo malalaman kung okay ang campaign?
Hindi mo kailangan ng mas maraming tutorials. Kailangan mo ng tamang setup, habang ginagawa mismo.
Libre ang information. Ang mahirap ay gawin lahat nang tama on your own. Sa workshop na ito, may trainer na katabi mo habang binubuo mo ang campaign mo, step by step, hanggang ready na itong i-launch.
“Boost Post”
- ✗ Likes at reach ang pangunahing focus
- ✗ Walang proper Pixel at tracking setup
- ✗ Broad o random ang audience
- ✗ Hindi malinaw kung saan napupunta ang budget
- ✗ Hindi ideal na starting point para sa bagong account
Tamang Campaign Setup
- ✓ Targeted sa audience na relevant sa offer mo
- ✓ May Pixel at tracking setup
- ✓ Tamang objective, tulad ng leads o messages
- ✓ Maayos na account structure
- ✓ May budget plan based sa actual campaign goal
Ano ang dala mo pauwi.
Live na campaign
Naka-setup at running na sa sarili mong Ads Manager, pagkatapos i-check ng trainer bago mo i-launch.
Maayos na account setup
Business Manager, Pixel, at page roles na na-set up nang tama para mabawasan ang common setup issues at restrictions.
7-day game plan
Alam mo kung anong numbers ang babantayan, kailan mag-a-adjust, at kailan mas okay na huwag munang galawin ang campaign.
Para sa’yo ‘to kung…
- ✓ Online seller ka, COD man o website, at gusto mong matutong mag-run ng proper ads
- ✓ Service provider ka, tulad ng clinic, real estate, salon, events, o coach
- ✓ Nagbo-boost ka na pero hindi ka nakakakuha ng enough inquiries
- ✓ Bago ka pa lang at ayaw mong matuto through expensive mistakes
- ✓ Gusto mong matutong mag-set up habang may trainer na gumagabay sa’yo
Dalhin mo lang ‘to
- ▸ Laptop mo, hindi phone. Sa Ads Manager tayo magbi-build.
- ▸ Facebook Page ng business mo
- ▸ GCash/Maya o card para sa payment method sa Meta
- ▸ Idea sa offer mo. Tutulungan ka naming i-refine kung kailangan.
- ▸ Sarili mong ad budget para sa Meta (hiwalay sa seat fee, ikaw ang magbabayad kay Meta)
I-reserve ang seat mo.
- ✓ 3-hour hands-on Facebook ads build workshop, 9:30AM–12:30PM
- ✓ Live Facebook campaign, ready to launch before you leave
- ✓ Account setup + Pixel setup, checked by the trainer
- ✓ Proven PH ad-copy templates na ready i-edit
- ✓ 7-day game plan + live Q&A
- ✓ Small group setup, kaya mache-check ang campaign ng bawat participant
Mas mura pa ito kaysa sa isang buwang ad spend na napupunta sa maling setup.
🔒 Aalis ka na may live, running campaign, or tutulungan ka naming ayusin ang setup bago ka umuwi. Iyan ang commitment namin for the workshop.
Mga tanong na baka nasa isip mo.
May libre namang tutorial sa YouTube. Bakit ako magbabayad? +
Totoo. Pero kahit gaano karaming tutorial ang panoorin mo, kailangan mo pa ring gawin ang actual setup. Dito, isang umaga kang nakalaan para gawin mismo, with a trainer beside you, hanggang live na ang campaign. Hindi mo kailangang magtabi ng tutorial at hulaan kung tama ba ang ginagawa mo.
Bago pa lang ako. Kaya ko kaya ‘to? +
Yes. Para talaga sa beginners ang workshop na ito. Sabay-sabay tayo, step by step, at ie-explain namin ang terms habang ginagawa natin. Basta may laptop ka at Facebook Page, you can follow along.
Baka ma-ban din ang account ko kahit magbayad ako? +
Kaya account setup ang isa sa unang gagawin natin, bago tayo gumastos. Aayusin natin ang Business Manager, page roles, at payment setup based on Meta’s requirements. Hindi kami magsasabi na 100% safe ang account dahil walang makakapag-guarantee niyan sa Meta, pero tutulungan ka naming iwasan ang common setup mistakes na pwedeng mag-cause ng restrictions.
Kasama na ba ang ad spend sa ₱4,997? +
Hindi. Ang ₱4,997 ay para sa workshop seat. Hiwalay ang ad budget at direkta mong babayaran kay Meta. Ikaw ang may control kung magkano ang gagastusin mo. Tutulungan ka naming mag-set ng budget na makes sense for your campaign.
Paano ako magre-reserve? +
I-click ang “I-reserve ang Seat” sa page para makapag-register. I-a-assist ka namin sa payment options, including GCash, Maya, or card, at ipapadala namin ang exact venue details for Love Cafe, Pembo, Taguig. Small group lang ang workshop, kaya first-come, first-served.
Isang umaga. Live na campaign.
Wala nang “balikan ko mamaya.”
Dalhin mo ang laptop mo. Aalis kang may running campaign na na-check ng trainer, plus a clear 7-day plan kung ano ang gagawin next.
